Provide top-notch talent wherever and whenever needed
Discover Cornerstone

KEAN CIPRIANO, SUNUD-SUNOD ANG MGA NATATANGGAP NA BLESSINGS!

August 15, 2019

Naging maayos at maganda ang pasok ng taon para kay Kean Cipriano, sunud-sunod kasi ang pagdating ng mga blessings sa kanya. Una na dito ay ang mapabilang siya sa longest-running teleserye ng ABS-CBN ang FPJ's ANg Probinsyano bilang Migs Alfonso at ang pagbabalik niya sa I Can See Your Voice Season 2 bilang SEEngvestigator kung saan makakasama niyang muli sina Angeline Quinto, Andrew E., Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Kaladkaren, at Wacky Kiray.


Kasunod nito ay naging parte rin siya ng pelikulang 'Sunshine Family' at G! bilang Musical Scorer.

At para naman sa kanyang mga fans, inilabas niya na din ang kanyang solo single na 'Eye Contact'  na tinatawag ngayong 'Pilyo song' dahil sa kakaibang music video nito na umani ng samu't saring reaksyon. Nilinaw din niya na buo pa din ang Callalily at marami pang dapat abangan sa kanila.


Pero sa lahat nga daw ng mga natatanggap na blessing ngayon ni Kean, pinaka-pinagpapasalamat niya ang pagiging daddy niya ulit.